40K defense, military personnel bakunado na kontra COVID-19

40K defense, military personnel bakunado na kontra COVID-19

July 7, 2021 @ 8:41 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mahigit sa 40,000 militar at sibilyang tauhan ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bakunado na kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ani Lorenzana, 40,059 tauhan ng DND at AFP ang nakatanggap na ng COVID vaccine.

Ito ay 26.6 porsyento ng populasyon ng hanay.

“Kanina po nag-usap kami ni [vaccine czar] Secretary [Carlito] Galvez [Jr.] na kung pwede mabigyan na ng bakuna ang AFP para matapos na ang armed forces. Pagkatapos ng active military [personnel], isusunod natin ang pamilya nila,” saad ng opisyal sa pre-recorded public address kasama ang Pangulo.

Samantala, napauwi na sa bansa ang 1,232,947 overseas Filipinos (OFs) at overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nakatakdang iuwi naman sa bansa ang 4,683 Pinoy sa Sabah, Malaysia.

Ayon sa DND chief, hindi pa makauwi ang mga ito dahil sa banta ng COVID variants. RNT/ELM