4,116 empleyado niregaluhan ng kompanya ng bagong kotse

4,116 empleyado niregaluhan ng kompanya ng bagong kotse

October 16, 2020 @ 2:11 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

China – Niregaluhan ng Jiangxi West Dajiu Iron & Steel Corporation ang 4,116 nitong empleyado ng bagong kotse bilang bonus sa paglagpas sa target na kita sa limang magkakasunod na taon.

Sa 4,116 na kotse, 2,933 dito ay Jiangling Ford Territory habang 1,183 ang FAW-Volkswagen Magotan.

Ibinigay ito bago ang selebrasyon ng National Day sa naturang bansa.

Tinatayang $74 milyon ang lahat ng sasakyang ipinamigay.

Maliban sa kotse, sagot din ng nasabing kompanya ang plaka, limang taong insurance, at ang buwis ng sasakyan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...