KONTRATA NG POWER SUPPLIER KANSELAHIN

KONTRATA NG POWER SUPPLIER KANSELAHIN

July 29, 2022 @ 7:53 PM 2 weeks ago


DAHIL hindi umano kayang ibigay ang pangangailangan sa kuryente ng mga residente ng ikalawa at ikatlong distrito, iminungkahi ng opisyales ng Non-Government Offices at consumers sa kanilang mga mambabatas na ipawalang-bisa ang kontrata ng David Mendoza Consunji Incorporated bilang taga suplay ng kuryente sa Masbate Electric Cooperative.

Ibinunyag ng ilang empleyado ng MASELCO, matapos ang pagpupulong ng lokal na opisyales ng pamahalaan at DMCI, na ang load shedding o pag-schedule ng power interruptions sa ilang bahagi ng lalawigan ay dahil kapos ang power supply na hatid ng DMCI sa MASELCO kung saan 28 megawatts ang peak demand.

Lumalabas umano na ang malawakang brownout na nararanasan ng kalakhang Masbate ay bunsod sa 20 megawatts lang ang maximum power capacity ng DMCI batay na rin sa ibinulgar ng insiders sa MASELCO na nagdudulot naman ng penitensya sa consumers dito.

Ibinulgar pa ng ilang mapapagkatiwalaang source, na ang luma at mga bulok na makina umano ng DMCI ang dahilan kaya hindi ito maka-generate ng sapat na suplay ng kuryente sa mga gumagamit.

Tahasang sinabi ni Engr.Nelson Lalas sa isang malapit na adviser ni Pangulong Bongbong na bago pa ang eleksyon ay 28 megawatts na ang maximum generation capacity ng DMCI na tugma naman sa peak demand ng mga kababayan ko.

Ang dilapidated o bulok na transmission lines umano ng NAPOCOR ang itinuturong dahilan ng opisyal kung bakit madalas ang power interruptions na umaabot pa ng ilang araw lalo na sa kasulok-sulukan ng lalawigang umaaray na rin ang malalaking negosyo lalo na sa kabisera.

Batid ng mga Masbateño na ginogoyo lang ng DMCI ang consumers bagama’t may kakulangan din naman ang MASELCO kaya’t ang pagbasura ng kontrata ng DMCI at paglalagay ng ibang kumpanya ang pinakamainam na solusyon upang matugunan ang krisis na ito.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]