ABS-CBN, TV5 deal nilusaw na!

ABS-CBN, TV5 deal nilusaw na!

September 1, 2022 @ 9:44 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng ABS-CBN Corp at TV5 Network Inc nitong Huwebes ang pagbawi at hindi na pagtuloy sa kanilang proposed investment deal.

Matatandaang sa nasabing deal ng dalawang broadcast giant sa bansa, ang Lopez-led firm ay makakukuha sana ng 34.99 percent na shares sa TV5.

“In a separate disclosure, TV5 Network, Inc. (“TV5”) and ABS-CBN Corporation (“ABS-CBN”) also announced that they have mutually agreed to terminate the Investment Agreement dated 10 August 2022 covering the proposed acquisition by ABS-CBN of 34.99% equity interest in TV5,” saad ng ABS-CBN sa stock exchange.

Maging ang Convertible Note Agreement na sumasaklaw sa panukalang subscription ng ABS-CBN sa isang Convertible Note na ibibigay ng TV5 ay tinerminate na rin.

“The termination was also formalized through a Memorandum of Agreement. The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Investment Agreement and the Convertible Note Agreement,” saad pa sa pahayag.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng Sky Vision Corp, Lopez Inc at Cignal Cable Corp na “nagkasundo” din silang wakasan ang Sale and Purchase Agreement na sumasaklaw sa panukalang pagkuha ng Cignal Cable ng 38.88 percent equity interest sa Sky Cable Corp.

Nauna nang kinuwestyon ang nasabing deal ni SAGIP Partylist Rodante Marcoleta at pinasusuri ang kasunduan sa National Telecommunications Commission.

Sinabi ng National Telecommunications na kailangang kumuha ng clearance ang ABS-CBN at TV5 mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno bago sila makapagpatuloy sa deal.

Narito ang kabuuang pahayag ng ABS-CBN:

Image

RNT