42 barko ng Tsina umaaligid sa isla Pag-asa

42 barko ng Tsina umaaligid sa isla Pag-asa

March 5, 2023 @ 8:51 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang muling presensya ng mga barko ng China sa bisinidad ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Namataan ng mga tauhan ng PCG na nakatalaga sa Pag-asa Island ang isang People’s Liberation Army Navy (PLA) Navy vessel, China Coast Guard (CCG) vessel 5201, at 42 hinihinalang Chinese maritime militia (CMM) ships na naka-angkla malapit sa isla.

Ayon sa PCG, ang mga barko ay tinatayang nasa 4.5 hanggang 8 nautical miles mula Pag-asa Island, malinaw na nasa loob ng land feature 12-nautical-mile territorial sea.

“The PLA Navy vessel and CCG 5201 have been observed to be slowly loitering within the surrounding waters of Pag-asa Island with a distance of 8 NM and 4 NM, respectively,” sabi ng PCG.

Samantala, 14 hinihinalang CMM vessels ang naka-angkla sa paligid ng Pag-asa Cay 3 na may tinatayang layong 4 NM sa kanluran ng Pag-asa Island, habang ang iba pang 28 na hinihinalang CMM Vessels ay binabantayan na nasa loob ng area ng Pag-asa Cay 4.

“Pag-asa Island is the largest island in the Kalayaan Island Group (KIG) serving as the seat of the local government of the Municipality of Kalayaan ,Province of Palawan,” ayon sa PCG.

“The Philippine Coast Guard , in compliance with the clear directive of President Ferdinand Marcos Jr., will unceasingly carry out it’s patriotic duty in patrolling our waters in the West Philippine Sea,” ayon kay CG Admiral Artenio Abu.

“We, in the PCG, together with our comrade in arms in the Armed Forces of the Philippines, have accepted this challenge on the day we started wearing our uniforms and took out oath to serve our country and people,” anang opisyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden