42 specialty centers sa Pinas naitayo na; 104 pa itatayo ngayong 2023

42 specialty centers sa Pinas naitayo na; 104 pa itatayo ngayong 2023

January 2, 2023 @ 11:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtayo na ng 46 functional na specialty centers sa buong bansa.

“Mayroon ding itatayo na karagdagang 104 specialty center ngayong 2023 sa iba’t ibang lugar sa bansa,” sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire .

‘This provide a better access to all Filipinos para sa ibat-ibang pangangailangan in terms of specialty care,” dagdag pa ni Vergeire.

Mayroon na rin aniyang 2,800 na primary care facility sa ngayon na accredited na ng Philhealth.

Ayon pa kay Vergeire, naglalayon pa rin ang DOH na palawakin ito upang mas accessible ang primary service sa ating mga kababayan .

“Kapag sinabing accessible, ito po ay hindi lamang serbisyo kundi financially dahil ito po ay sagot ng Philhealth at may ibibigay na libre sa ating mga kababayan,” pahayag pa ng opisyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden