42 turista istranded sa Corregidor, sinagip

42 turista istranded sa Corregidor, sinagip

March 1, 2023 @ 5:46 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na 42 local at foreign tourist na stranded dahil sa malalakas na hangin at alon ang iniligtas sa Corregidor Island sa Cavite.

Sa pahayag ng PCG, simula Linggo pa, Pebrero 26 ay istranded na ang nasabing mga turista.

Isang sales at marketing officer mula sa Corregidor Foundation Inc., ang nagpadala ng sulat sa PCG Commander Center para humingi ng tulong para sa mga stranded na turista.

Ligtas namang naibaba sa Pier 15, South Harbor sa Maynila ang mga turista at kalaunan ay hinatid sa Palm Coast Marina, Paranaque.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Miyerkules, Marso 1 na nananatiling nakataas ang gale warning sa mga dagat na sakop ng Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Ilocos Norte, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Surigao del Norte at silangang baybayin ng Palawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden