PROTEKSYON NG MGA GURO AT ESTUDYANTE SA LABORATORYO KAILANGAN

PROTEKSYON NG MGA GURO AT ESTUDYANTE SA LABORATORYO KAILANGAN

September 8, 2022 @ 2:13 PM 3 weeks ago


NGAYONG nagsisimula nang mag-face-to-face classes ang mga eskwelahan, mas mainam kung mapaghandaan din ang safety and health ng ating mga guro at estudyante lalo na sa mga subject tulad ng chemistry, physics, biology at iba pa na nangangailangan ng laboratoryo sa pagsasanay.

Ang problema, maraming hazard na maaaring suungin ang mga guro at estudyante tulad ng fire, electricity, rotating machines, sharp and pointed objects, flying particles, chemicals, radiation, biological, high temperatures, prolonged sitting o standing, repetitive movements, manual handling at marami pang iba.

Maaaring magdulot kasi ang mga ito ng aksidente at mga sakit sa katawan.
Huwag naman sanang maulit ang isang malaking trahedya tulad ng nangyaring chemical spill sa isang eskwelahan sa Makati City noong 2006.

Kailangang handa ang pamunuan ng eskuwelahan sa pagkontrol sa mga naturang hazards. Isang mabisang paraan dito ang seryosong pagsasagawa ng risk assessment at safety and health program.

Sa ganitong sistema, masosolusyunan ang mga problema natin sa hazard. Mabibigyang pansin nito ang praktikal na paraan nang pagkontrol at magiging klaro ang bawat responsibilidad lalo na sa pagtugon sa emergency cases.

Kinakailangan din ang palagiang inspeksyon ng mga kagamitan at dokumento tulad ng safety data sheet para sa mga kemikal.

Mahirap kasing gamitin ang isang fire extinguisher na wala palang laman o ang eye wash station, hand wash station at emergency shower na walang tumutulong tubig.

Gayundin ang fume hood at bentilasyon na hindi gumagana o naigang alcohol dispenser.
At ang masaklap eh kung walang nakakaalam sa first aid treatment kung sakaling nalanghap, nawisikan ang mata at balat o aksidenteng nainom ang anomang kemikal.

Mas makabubuting mabigyan din ng angkop na perng mga estudyante ang mga do’s tulad ng pagbabasa sa safety signs, pagtawag sa emergency hotline, pagpapanatili ng katiwasayan at kalinisan, pagsunod sa health protocol, tamang pagsusuot ng PPE at iba pa.

Gayundin sa don’ts tulad ng horseplaying, pagkain sa laboratoryo, paglalagay ng kemikal sa walang label na mineral bottle container at hindi otorisadong eksperimento at iba pa.