425K dumayo sa Manila North at South cemeteries nitong Undas

425K dumayo sa Manila North at South cemeteries nitong Undas

November 2, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 425,000 katao ang bumisita sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery upang dumalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay nitong Undas, Nobyembre 1.

Bagama’t ang araw na ito ay All Saints’ Day, ito na rin ang araw na nagtutungo ang mga Filipino sa mga sementeryo dahil ito ang idineklarang walang pasok.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), kabuuang 225,261 indibidwal ang bumisita sa Manila North Cemetery samantala 204,486 naman ang nagtungo sa Manila South Cemetery.

Sa kabila nito, mayroong 63 hindi bakunadong menor de edad ang kailangan nilang hindi papasukin sa sementeryo.

May iniulat naman na isang indibidwal na nahimatay sa Manila South Cemetery na agad dinala sa Makati Medical Center.

Kabuuang 3,783 prohibited items tulad ng sigarilyo, flammable materials at sharp object ang kinumpiska, 2,361 sa mga ito ay mula sa Manila North Cemetery at 1,424 naman sa Manila South Cemetery.

Hindi naman naabot ang inaasahang dalawang milyong bibisita sa naturang sementeryo dahil na rin sa epekto ng masamang panahon. RNT/JGC

Mga larawan kuha ni Crismon Heramis