MALASAKIT NA RAMDAM KAHIT ‘DI TAGA-CALOOCAN

MALASAKIT NA RAMDAM KAHIT ‘DI TAGA-CALOOCAN

September 27, 2022 @ 12:29 PM 2 months ago


SINA Mang Kanor, Dodie at Aling Tessie ay metro residents na hindi taga-Caloocan, subalit nabigyan ng pabahay sa lungsod ni Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan.

Tatlo sila sa daang pamilya na ‘di mamamayan ng lungsod na nakatira sa water ways o kung tawagin ay delikadong lugar sa Metro Manila na nabiyayaan ng libreng pabahay ng gobyerno.

Kabilang sila sa 378 pamilya na karamihan ay pamilyang “Kankaloo” na tumanggap ng susi o award ng kani-kanilang bahay sa isang seremonya na pinangunahan ni Mayor Along na dinaluhan din ni Cong. Oca Malapitan at housing officials.

Ang libreng pabahay na isang high-density housing project ng pamahalaang lungsod at ng Social Housing Finance Corporation ay itinayo, makikita sa maaliwalas na Gloria Ville sa Barangay 178, Caloocan City.

Masayang tinanggap nina Mayor Along at Cong. Oca ang beneficiaries sa kanilang speech, inengganyo ng butihing city executive ang mga benepisaryo na magsama-sama para sa katuparan ng isang maayos at maluwalhating komunidad.

“Batid ko po na ang ilan sa mga benepisaryo ay mula pa sa ibang lungsod, Welcome kayo sa Caloocan. Bilang inyong alkalde, titiyakin ko na maaalagaan naming kayo,” pahayag ng batang Malapitan.

“Mahalaga rin na makakasundo natin ang ating mga kapit-bahay, makiisa tayo sa mga programa para sa ikagagaganda pa lalo ng inyong komunidad” dagdag pa ng alkalde.

Sa Pinas, ang pagkakaroon ng sariling bahay ay pangarap ng lahat lalo ng mga kapus-palad kaya gayon na lamang ang saya nina Mang Kanor, Dodie at Aling Tessie dahil may sarili na silang tahanan.

Hindi man sila nagkabahay sa mga pinagmulang siyudad sa Metro manila, anila, habang buhay nilang tatanawin ang kagandahang-loob ni Mayor Along sa pagtanggap sa kanila bilang mga bagong residente ng Caloocan.

True to its meaning, ang ‘Aksiyon at Malasakit’ na kumikilala na sa kakaiba, maayos at de-kalidad na pamamahala ni Mayor Along ay nararamdaman, ‘di lang sa Caloocan kundi mga residente na ‘di taga-lungsod tulad, nina Kanor, Dodie at Tessie.
Kung lahat ng lingkod bayan ay tulad ni Malapitan na ang ‘Aksiyon at Malasakit’ niya’y ramdam kahit hindi taga-Caloocan …Alleluiaaaa!