426K health worker wala pang natatanggap na MAT allowance

426K health worker wala pang natatanggap na MAT allowance

December 10, 2021 @ 12:47 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa natatanggap ng 426,000 health worker ang kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na ang MAT benefits sa health workers ay popondohan ng P1.5 million contingency fund galing sa Office of the President.

“Ito po hinahabol namin ngayon. Nakikipagusap kami sa Office of the President tungkol sa P1.5 million contingent fund na hinihingi namin na marepurpose. Pumayag po si President [Rodrigo Duterte],” saad ni Vega sa Laging Handa briefing.

“Anytime next week, ipapamahagi na namin ang makukuha namin from the Office of the President para sa 426,000 health workers na hindi pa nakakakuha ng MAT allowance.” RNT/FGDC