P1.6M illegal logs naharang sa Maguindanao

P1.6M illegal logs naharang sa Maguindanao

October 4, 2022 @ 12:50 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Hinarang ng isang Philippine Marines team ang pagdadala ng P1.6 milyong halaga ng mga iligal na pinutol na mga kahoy sa Barira, Maguindanao, noong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Maj. Melchor Gonzaludo, Marine Battalion Landing Team 5 (MBLT-5) head, na ang operasyon na humantong sa pagbawi ng 20,748 board feet ng forest products ay dahil sa kanilang natanggap na tip sa operasyon ng isang illegal sawmill sa lugar.

“MBLT-5 along with Barira police and personnel of the Ministry of Environment, Natural Resources and Energy in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MENRE-BARMM), immediately conducted an operation in Sitio Bulubudtua, Barangay Nabalawag, Barira, Maguindanao,” ani Gonzaludo sa isang pahayag nitong Lunes.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkumpiska ng iba’t ibang laki ng pula at puting Lauan lumber, dalawang chainsaw, at isang heavy-duty bandsaw na inabandona ng may-ari at mga operator.

Nasa kustodiya na ngayon ng MBLT-5 ang mga produktong kagubatan na pinaniniwalaang pinutol sa kagubatan ng Barira at idadala sa tanggapan ng MENRE-BARMM. RNT