43 ‘nakaditineng’ Chinese nationals nasagip sa Pampanga

43 ‘nakaditineng’ Chinese nationals nasagip sa Pampanga

September 15, 2022 @ 8:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasagip nitong Miyerkules ang 43 Chinese nationals na “nakaditine” sa isang Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) establishment sa Angeles City, Pampanga, ayon sa mga awtoridad.

Sa isang media briefing, sinabi ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na isang kidnap victim lamang sana ang ililigtas subalit 42 pang POGO workers “similarly enslaved under human trafficking conditions” ay nadiskubre sa site.

Pinangalanan ang establisimiyentp na Lucky South 99, sa Fil-Am Friendship Highway.

Sinabi ni Abalos na nagbigay-impormasyon ang foreign police counterparts sa local police batay sa reklamo ng pamilya ng dinukot na Chinese. Hawak umano ang biktima kapalit ng P1 milyong ransom mula Lunes ng gabi.

Arestado naman ang 33-anyos na human resource manager ng POGO company sa operasyon.

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na patuloy nitong iniimbestigahan ang mga kaso at sumasailalim na ang POGO workers sa documentation at records verification.

Samantala, tiniyak ni Abalos na ipasasara ang POGO establishment sakaling mapatunayan na may kinalaman ang pamunuan sa criminal activities.

“If the evidence warrants — babasahin ko lang maigi, bibilisan ko — ipapasarado ko kaagad ito,” babala niya. RNT/SA