43 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID-19

43 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID-19

December 6, 2020 @ 9:04 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) ang 43 pang tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, pumalo na sa 8,305 ang kabuuang kaso sa hanay.

Gumaling na naman sa sakit ang 30 pang tauhan ng PNP kaya’t 7,874 na ito sa kabuuan.

Nananatili naman sa 27 ang nasawi sa COVID-19.

Samantala, 404 pa ang nilalapatan ng lunas sa sakit. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...