43 Pinoy abroad sapul sa COVID-19

43 Pinoy abroad sapul sa COVID-19

July 15, 2020 @ 5:47 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng 43 na Pinoy sa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan upang pumalo na sa 8,915 ang kabuuang bilang ng mga ito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Inanunsyo rin ng DFA na umabot na sa 5,311 ang kabuuang mga nakarekober habang 618 ang nasawi rito.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,986 pasyente ang sumasailalim sa gamutan.

Ayon sa datos mula sa DFA, ipinapakitang mayroong 722 kaso sa Asia and the Pacific region. Sa bilang na ito, 128 ang sumasailalim pa sa gamutan, 589 ang nakarekober habang lima ang nasawi.

Sa Middle East at Africa, naitala sa 6,431 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease. Mayroong 2,240 na pasyenteng sumasailalim sa gamutan, 3,842 ang nakarekober at 349 na nasawi.

Iniulat ng Europa ang kabuuang 1,063 kaso ng COVID-19. Sa bilang na ito, 498 na pasyente ang sumailalim pa sa gamutan habang 470 ang nakarekober at 95 ang nasawi.

Samantala, umabot naman sa 699 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa Amerika. Mayroong 120 pasyenteng sumasailalim sa gamutan habang 140 ang mga nakarekober at 169 ang nasawi. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...