43 wanted sa Isabela, nalambat

43 wanted sa Isabela, nalambat

August 14, 2022 @ 12:24 PM 2 months ago


CAMP LT. ROSAURO TODA JR.,CITY OF ILAGAN, ISABELA-Nalambat ang 43 katao na wanted sa magkakahiwalay na Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO ng mga municipal at city police station na sakop ng Isabela Police Provincial Office o IPPO.

Ayon kay PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng IPPO, mula sa 43 katao na wanted, ang tatlo ay binansagang Top Most Wanted Person TMWP Regional Level sa kasong panggagahasa na naaresto ng Cauayan City, Jones at Tumauini Police Station sa isinagawang isang araw na SACLEO.

Sa patuloy na kampanya laban sa Insurhensiya, 5 miyembro ng New Peoples Army o NPA in the Barrio at 17 CTG Supporters ang boluntaryong sumuko sa kamay ng mga awtoridad.

Sa kampanya sa anti-illefal drugs ay isa ang naitala, 12 katao ang nahuli sa Illegal gambling, isang motornapping at isa rin sa illegal Fishing ang naaresto.

Sa Loose firearms, 4 na iba’t-ibang kalibre ng baril ang isinurender habang 13 naman armas ang idineposito sa kampanya “Bilang Boga”, 6 naman ang isinuko na explosives gaya ng Hand grenade, 40MM at Rifle Grenade at narekober rin ng pulisya ang 5 piraso  na illegally cut common hard wood na tinatayang nasa 160  board ft sa kampanya ng illegal logging.

Kaugnay nito, pinuri ni PCol. Go ang patuloy na pagsusumikap ng kapulisan ng Isabela maging ang komunidad sa kanilang husay sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan dito sa nabanggit na probinsya.

Samantala, nakahuli naman ng 351 violators sa 126 na isinagawang operasyon sa buong lalawigan ng Isabela ang patuloy na implementasyon ng Traffic Laws at Ordinances. Rey Velasco