431 CANCER PATIENTS INAYUDAHAN NI BONG GO

431 CANCER PATIENTS INAYUDAHAN NI BONG GO

December 12, 2021 @ 3:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator at Senate Committee on Health and Demography chairman Christopher “Bong” Go ang katapangan at katatagan ng mga cancer patient at survivor matapos maghatid ng tulong ang kanyang grupo sa may 431 pasyente na may kanser sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.

Sa kanyang mensahe, hinangaan ng senador ang cancer patients sa kanilang araw-araw na pakikipaglaban sa kanilang sakit.

“Nakakataba po talaga ng puso na makapiling kayo ngayon dahil alam ko po na napakarami niyo na pong pinagdaanan sa buhay at saludo talaga ako sa inyong katapangan,” ayon kay Go.

“Alam ko rin po kung gaano kahirap ang inyong paglalakbay patungo sa paggaling mula sa sakit na kanser. Pero sigurado po ako na ang inyong diwa at saloobin ay walang katumbas dahil pinagdaanan niyo na ang lahat,” ani Go.

Nong Hulyo 18, personal na sinaksihan ng senador ang turnover ng pondo mula sa national government sa SPMC para sa instalasyon ng bagong power supply nito sa operation  ng positron emission tomography (PET) at nuclear medicine and cyclotron facilities.

Ang nasabing medical equipment ay ginagamot sa pag-diagnose ng iba’t ibang sakit, kabilang ang cancer at heart diseases.

“Importante ang suporta na ibinigay ng Pangulong (Rodrigo Duterte), lalung-lalo na nasa panahon tayo ng pandemya. Ito ang pinakasentro na hospital at nandito ang heart at cancer centers at iba pang espesyalista. Bilang chair of the Senate Committee on Health, matagal na rin akong full support dito sa SPMC,” ani Go.

Isinagawa ang aktibidad sa SPMC Children’s Cancer Institute, ang grupo ni Go ay namahagi ng masks at snacks sa mga pasyente patients. Namigay rin sila ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets.

Ang Department of Social Welfare and Development, samantala, ay nagbigay ng financial assistance sa cancer patients sa pamammagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program nitoo.

Ang Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority ay nag-alok naman sa mga kuwalipikadong recipients ng livelihood support at scholarship grants.

“I believe that you deserve to be out there and live your lives to the fullest… This is why we in government are working hard to bring quality and accessible services to alleviate your medical condition with the high hopes that you can overcome it and lead a better and healthier life,” idiniin ni Go.

Nangako si Go na itutuloy-tuloy niya ang pagsasaayos ng access sa quality healthcare services para sa lahat ng Filipino.

“Nandidito rin ang Malasakit Center. Hindi na kailangan pa humingi ng tulong sa iba’t ibang opisina ang mga kababayan natin. Noon, pupunta pa ‘yan sa kanto sa PCSO, lilipat sa PhilHealth sa Matina at DSWD sa Ramon Magsaysay. Ngayon, dito na sa isang kwarto sa building ang apat na ahensya ng gobyerno na tutulong sa kanila,” ani Go. Nats Taboy