4,316 Anti-Littering Violators, huli ng MMDA

4,316 Anti-Littering Violators, huli ng MMDA

April 9, 2019 @ 4:26 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Umabot sa 4,316 violators ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula February hangang ngayon buwan  dahil sa paglabag sa anti-littering.

Base sa report ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Police Office (HPSEPO), nasa  965 litterbugs  ang nahuli  ngayon buwan,  1,053 litterbugs sa buwan ng Pebrero  at 2,298 naman para sa buwan ng Marso.

Nabatid  na nasa 1,487 violators ang nakipag-settle para sa administrative fine na nagkakahalaga ng P500.00 habang ang 32 offenders naman ay nagsagawa naman ng  eight-hour community service.

Ang mga violator ay nahuli sa isinagawang operayon ng MMDA para sa anti-littering sa area ng Monumento, Cubao, Ortigas district, EDSA-Taft, Guadalupe, North-EDSA, Buendia at iba pang parte ng Kalakhang Maynila.

Nagbigay babala si MMDA Chairman Danilo Lim sa publiko na huwag magkalat sa mga kalye dahil naka-monitor ito sa kanila ang ahensiya para hulihin ang mga lalabag.

 “We are calling on the public to refrain from littering in the streets. Remember that garbage, no matter how small or big it is, end up in the drainage that contributes to flooding. Proper garbage disposal is everyone’s responsibility,” ani Lim.

Ang mga itinatapong kalat ng mga violator  ay ang mga candy wrappers, cigarette butts, papers at plastics, na nakakadagdag sa pagbabara ng daluyan ng tubig na nagiging sanhi nang pagbaha sa malaking bahagi ng Metro Manila kung tuwing umuulan.

Nabatid pa na ang mga violator ng anti-littering na hindi nila inasasikaso ang kanilang violation ay iaalarma ang kanilang record sa National Bureau of Investigation (NBI).(James I. Catapusan)