433 mananaya nanalo sa Grand Lotto 6/55, maghahati sa P236M

433 mananaya nanalo sa Grand Lotto 6/55, maghahati sa P236M

October 2, 2022 @ 7:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa pambihirang pagkakataon ay umabot sa 433 ang maghahati-hati sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na P236,091,188.40.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ito ay makaraan silang manalo sa draw nitong Sabado, Oktubre 1 sa lumabas na winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Sa kabila nito, wala naman tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42 sa winning combination na 37-42-14-09-13-04 na mayroong jackpot prize na P24,908,649.60.

Ang Superlotto 6/49 naman ay hindi pa rin tinatamaan na mayroong papremyong aabot na sa P110,134,645.60.

Samantala nalalapit na ring umabot sa P100 milyon ang papremyo sa Ultra Lotto 6/58. RNT/JGC