6 OPP SATELLITE OFFICES INAPRUBAHAN NI SEC. REMULLA

6 OPP SATELLITE OFFICES INAPRUBAHAN NI SEC. REMULLA

November 12, 2022 @ 11:18 AM 2 weeks ago


UPANG mas lalo pang maging epektibo at mailapit sa mamamayan ang serbisyong pangkatarungan ng Department of Justice, inaprubahan ng mahusay na Kalihim nito na si Secretary Jesus Crispin “Boying” Catibayan Remulla ang paglalagay ng anim na satellite offices ng Office of the Provincial Prosecutor sa lalawigan ng Bulacan.

Personal na dumalo si Remulla sa pirmahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng OPP of Bulacan at mga local government unit gaya ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Baliwag, Angat, Do√Īa Remedios Trini-dad. Ang MOA Signing ay ginanap sa San Rafael, Bulacan noong Oktubre 25, 2022.

“Malaking tulong ito para mas maging abot-kamay na ang tulong at serbisyo ng ating mga prosecutor sa mga residente roon. Maraming salamat sa mga lingkod bayan ng Bulacan na tumulong para ma-ging matagumpay ang MOA na ito,” mensahe ni Remulla.

Bago pa maging DOJ Secretary ay makailang beses at walang talo siya sa pagiging Kongresista ng Cavi-te at naging Gobernador din, kaya naman subok ang kanyang husay sa paglilingkod at pag-aksyon para sa bayan kaya naman tamang-tama ang kanyang slogan na ginamit niya noon na dala pa rin niya haggang ngayon na “Mula sa Bayan, Para sa Bayan.”

Matatandaan na siya rin ang may political will na mapalaya ang mga karapat-da-pat ng Persons Deprived Li-berty. Nasa 370 noong kaa-rawan ni Pangulong Bongbong Marcos at kamakailan lamang ay nasundan pa ng 357. Nagawa rin niyang mapabalik ng China ang illegal POGO workers na Chinese na nasa Pilipinas.

Bumisita rin siya sa Nueva Ecija upang tingnan ang isang lokasyon doon para pagtayuan ng isang bagong makataong prison facility.

Aktibo rin siya sa paghahanap ng katarungan sa pagpaslang sa kapwa broadcast-journalist na si Ka Percy Lapid o Percival Mabasa.

Isa na sa pinaka-aktibo at mabilis mag-serbisyo publiko sa ngalan ng katarungan si Remulla, tunay na hindi nagkamali si PBBM sa pagtalaga sa kanya sa DOJ.

Para sa akin, wala pa mang isang taon sa pamumuno sa DOJ ay marami na si-yang nagawa at magagawa pa, isa na sa pinaka-the best na DOJ Secretary sa kasaysayan ng bansa. Saludo sa iyo Boss Kuya Gov. Mabuhay ka!