Campaign period para sa plebisito sa Baliwag, aarangkada sa Huwebes

Campaign period para sa plebisito sa Baliwag, aarangkada sa Huwebes

November 14, 2022 @ 5:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magsisimula na sa Huwebes ang ‘information and campaign period’ sa pelebisito para sa pagiging lungsod ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa Comelec resolution No. 10851 na inihayag noong Nov. 8, itinakda ng Comelec ang information at campaign period mula Nov. 17 hanggang Dec. 15.

Sa nasabing panahon, sinabi na ang civic, professional, religious, business, youth at iba pang kahalintulad na organissyon ay magsasagawa ng symposia public rallies o pagpupulong upang maliwanagan ang mga botante sa munisipalidad.

“All government officials and employees as well as those in government-owned or controlled corporations with original charters, may publicly express their opinions on any issues related to the plebiscite,” saad sa resolusyon.

Gayunman, ang mga personnel at opisyal ng poll body ay pagbabawalan na ipahayag sa publiko ang kanilang posisyon sa usapin upang mapanatili ang isang independyente at non-partisan na katayuan kaugnay sa gagawing plebisito.

Dapat ding panatilihin ng lahat ng miyembro ng Plebiscite Committees(PlebCom) ang kanilang pagiging neutral sa usapin.

Ipinasa noong Hulyo 29,2022 ang RA 11929 o ang batas na nagpapalit ng munisipalidad ng Baliwag sa isang lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden