43K namasyal sa Luneta nitong Pasko

43K namasyal sa Luneta nitong Pasko

December 26, 2022 @ 6:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 43,000 katao ang bumisita sa Luneta Park sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Kasabay nito, tambak din na mga basura ang naiwan sa sikat na pasyalan.

Karamihan sa mga basura na nagkalat sa paligid ng Luneta lalo na sa mga kalsada ay mga plastik, karton, plastic bottles at cups.

Ito ay sa kabila ng paalala ng environmental groups, pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) at ng local government unit sa publiko na itapon sa tamang tapunan ang kanilang mga basura upang mapanatiling maaayos, malinis at kaaya-aya ang parke lalo na sa mga turista. Jocelyn Tabangcua-Domenden