44% budget increase sa agri department pinuri

44% budget increase sa agri department pinuri

August 29, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Batangas Rep Ralph Recto ang aksyon ng Marcos administration na itaas ng 44% ang alokasyon ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng 2023 national budget.

Ayon kay Recto ang pag-upo ni Pangulong Bongbong Marcos bilang kalihim ng DA ay ramdam na ng publiko matapos lumobo ang budget ng agriculture sector.

Mula sa P71B noong 2022 ay nasa P102.15B ang budget ng DA sa 2023.

“You can say that this is the beginning of the end of a funding drought,” ani Recto.

Nakasisiguro si Recto na sa susunud na taon ay unti unti nang tataas ang ani ng mga magsasaka gayundin ay unti unti nang makakamit ang hinahangad ng bansa na food security.

“I am supporting the budget increase in agriculture not because it is what the President has asked, but this is what the people want.” ani Recto.

Sinabi ni Recto na overall ang tugon ng administrasyon sa problema sa pagkain dahil hindi lamang ang DA budget ang tinaasan kundi ang lahat ng 8 agricultural agencies na mula P46.2B noong 2022 ay itinaas sa 33% o nasa P62B.

Kabilang sa mga ahensyang ito ang National Food Authority, Sugar Regulatory Administration, National Irrigation Administration, Philippine Rice Research Institute, Philippine Fisheries Development Authority, National Tobacco Administration, Philippine Coconut Authority at National Dairy Authority.

Nabatid na sa nabanggit na 8 ahensya ay ang NFA ang may pinakamataas na nasa 71 percent increase mula P7B ay P12B na ang pondo na sinundan ng SRA na tinaasan ng 41% ang budget na dati P712.2M ay ginawa nang P1B.

Ang DA- Office of the Secretary (OSEC)  tinaasan din ang budget ng 48% na mula P61B ay naging P90.2B

Ang National Rice Program na nasa ilalim ng OSEC ay dinoble din ang alokasyon P15.8 billion ay magiging P30.5 billion kung saan P19.5 billion ay pondo para sa pagbili ng fertilizer.

Maliban sa nasabing mga ahensya ay tinaasan din ang budget ng

Fertilizer and Pesticide Authority ng 66 percent, mula sa P156 million ay naging  P259M at Bureau of Fisheries and Aquatic Resource na tinaasan ng 35% ang budget na ngayon ay nasa P6.3B mula P4.7 billion. Gail Mendoza