44 close contacts ng unang Omicron subvariant positive sa Pinas, natukoy – DOH

44 close contacts ng unang Omicron subvariant positive sa Pinas, natukoy – DOH

April 28, 2022 @ 12:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health ngayong Huwebes na aabot sa 44 na close contacts ang natukoy na nakahalubilo ng dayuhang nasapul ng COVID-19 Omicron subvariant.

Matatandaang kahapon, Miyerkoles, ay kinumpirma ng DOH ang kauna-unahang pagkaka-detect sa Pilipinas ng BA.2.12 subvariant ng Omicron sa Baguio.

Nagpositibo sa nasabing subvariant ang 52-anyos na babaeng dayuhan mula Finland na bumisita sa isang unibersidad sa Quezon City at nagtungo sa Baguio para magsagawa ng mga seminar.

Sa anunsyo ng DOH, sa 44 na close contact, nagmula ang siyam rito sa Quezon City, lima sa Benguet, at 30 sa sinakyang eroplano na papuntang Maynila.

Pero ayon sa epidemiology nurse sa DOH Cordillera na si Karen Lonogan, gumaling na ang ginang at nakabalik na sa kanyang bansa. RNT