44 pamilya hinaharas ng rebelde sa Cagayan

44 pamilya hinaharas ng rebelde sa Cagayan

February 21, 2022 @ 1:00 PM 4 months ago


CAGAYAN-Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakabalik sa kani-kanilang tahanan ang apatnapu’t apat displaced families na nakaranas ng pananakot at panghaharass sa New Peoples Army o NPA sa bayan ng Sta. Teresita dito sa nabing lalawigan.

Nanatili pa rin sa temporary shelter sa Barangay Mission ang apatnapu’t apat na pamilya mula sa Sitio Tagcar at Sitio Cabungar habang sinusuyod pa rin ng Militar ang mga tumakas na miyembro ng NPA.

Una na ring nakapagpaabot ng tulong ang DSWD Region 2 para sa mga apektadong pamilya katuwang ang LGU Sta. Teresita sa pamunuan ni Mayor Rodrigo de Gracia at sa ilalim ni PCapt. Ranolfo Gabatin, hepe ng Sta. Teresita Police Station maging ang pamunuan ng 5th ID. P.A.

Ilan sa pamilya ay nagkusang lumikas dahil sa walang humpay na pananakot at panghaharas ng mga rebelde.

Una silang nagtayo ng kanilang temporary shelter sa Gonzaga, Cagayan na agad naidulog sa DSWD na naging daan upang mailipat sa temporary shelter ng barangay Mission ang mga apektadong pamilya.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Garry Macadangdang, hepe ng Gonzaga Police Station ay una na nilang inayudahan at nagsagawa ng outreach program ang mga apektado sa sagupaan ng rebelde at militar.

Kaugnay nito, patuloy  ang information drive ng militar sa mga kabataan may kaugnayan sa mga adhikain at totoong mukha ng Communist Terrorist group o CTG.

Sa katunayan ay may grupo ng Indeginous People o IP’s ang bumuo ng kanilang Peoples Organization sa bahagi ng Sanchez Mira, Cagayan.

Samantala, hangarin ng taumbayan na makamtan ang kapayapaan at kaunlaran na nais ring maisakatuparan ng pamahalaan. Rey Velasco