44 pang Pinoy patay sa COVID; 4,182 dagdag-kaso naitala

44 pang Pinoy patay sa COVID; 4,182 dagdag-kaso naitala

August 15, 2022 @ 6:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Linggo ng 4,182 bagong kaso ng COVID-19, na tumaas sa kabuuang nationwide caseload sa 3,831,941.

Ito ang ikaapat na sunod na araw na may higit sa 4,000 bagong impeksyon.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, bahagyang bumaba ang active cases sa bansa sa 40,016 mula sa 40,324 noong Sabado.

Gayunpaman, ito ang ikatlong sunod na araw na may higit sa 40,000 aktibong kaso.

Umakyat naman sa 3,730,889 ang bilang ng mga nakarekober habang 44 naman ang nasawi sa 61,036.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 15,767 na sinundan ng Calabarzon na may 10,044 at Central Luzon na may 5,265.

Sinabi ng DOH na hindi bababa sa 22,008 na mga indibidwal ang nasuri, habang 310 mga testing laboratory ang nagsumite ng data noong Agosto 13.

Ang bed occupancy sa bansa ay 30.5%, kung saan 8,787 beds ang okupado, habang 20,042 ang bakante. Jocelyn Tabangcura-Domenden