44 patay, 2,833 dagdag-kaso ng COVID-19 naitala

44 patay, 2,833 dagdag-kaso ng COVID-19 naitala

September 23, 2020 @ 5:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bahagya muling tumaas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa inilabas na bagong update ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa 294,591, ang kaso sa bansa dahil sa karagdagang 2,833 bagong kaso.

Nasa 765 naman ang recoveries kung saan umakyat na sa 231,373.

Habang karagdagang 44 naman ang nasawi sa COVID-19 dahilan para umakyat na sa 5,091 ang total-death toll.

Sa kasalukuyan ay nasa 58,127 ang aktibong kaso.

Sa 2, mga bagong kaso, 2,280 (80%) rito ang naitala mula September 10 hanggang  September 23, 2020.

Top regions pa rin ang NCR sa may mga kasong naitala sa nagdaang dalawang linggo na may 968 o 42%, Region 4A (456 o 20%) at Region 6 (314 o 14%).

Sa naitalang bagong mga nasawi, 21 rito ay nangyari ngayong September, 14 noong August (32%), 6 noong July (14%), 2 noong June (5%), at 1 noong May (2%).

Mula sa NCR ang (23 o 52%), Region 4A (6 o 14%), Region 6 (5 o 11%), tiog 2 sa Region 3 at Region 9 habang tig-1 naman sa Region 1, Region 7, Region 10, Region 11, BARMM, at CARAGA .

Nasa 5 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang COVID-19 Data Repository System (CDRS) nitong September 22, 2020 kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center GX
2. Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center RT-PCR
3. Parkway Medical and Diagnostic Center
4. Taguig City Molecular Laboratory
5. Valenzuela Hope Molecular Laboratory

Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...