44,000 kilong puslit na sibuyas, nasabat sa Zambo City

44,000 kilong puslit na sibuyas, nasabat sa Zambo City

January 24, 2023 @ 3:06 PM 2 weeks ago


ZAMBOANGA CITY- Inihayag ng Philippine Navy’s Naval Forces Western Mindanao na naharang ng mga operatiba nito kahapon, Lunes, ang halos 44,000 kilo ng puslit na pulang sibuyas sa isang dockyard sa siyudad, sa paherong araw na inanunsyo ng agriculture department na darating na sa bansa ang unang batch ng imports ng  commodity sa bansa.

Inilunsad ang operasyon katuwang ang Coast Guard, Marine Battalion Landing Team-11, Joint Task Force Zamboanga, Bureau of Customs Zamboanga District, at intelligence operatives ng the Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command, ayon sa regional naval unit sa news release.

Nasabat ang 3,000 mesh bags ng pulang sibuyas karga ng closed-van cargo truck at 8,000 sa wooden vessel na MJ MARISA. Kada isang mesh bag ay may timbang na apat na kilo.

Nakumpiska ang items sa loob ng Varadero de Cawit sa Barangay Cawit.

Hindi pa naglalabas ng ibang detalye ang Navy gaya ng pagkakakilanlan ng consignee ng shipment, saan ito nagmula, at pagkakakilanlan ng may-ari ng cargo truck at boat.

Nito ring Lunes, nasabat ng parehong team ng law enforcers ang halos 300 drums ng umano’y puslit na petroleum, oil, at lubricants karga ng isang watercraft sa Cawit.

Sinabi ng Naval Forces Western Mindanao na inihahanda ang items para sa  turnover sa karampatang ahensya. RNT/SA