444 arestado sa Comelec gun ban —PNP

444 arestado sa Comelec gun ban —PNP

January 28, 2022 @ 12:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 444 ang naarestong indibidwal na lumabag sa election gun ban kung saan 34 na bagong violator ang nahuli, ayon sa Philippine National Police (PNP), Biyernes.

Sinabi ng PNP na ang mga bagong huli ay pawang mga sibilyan kung saan nakumpiska ang 20 armas, 118 bala, at 13 na deadly weapons.

Naaresto ang mga lumabag sa Sultan Kudarat, Laguna, Cebu, Capiz, Masbate, Cebu City, Davao Occidental, Pangasinan, Mandaluyong, Valenzuela, Muntinlupa, Manila, Pasig, Navotas, Bulacan, Caloocan, Quezon City, at Albay.

Umabot din sa 4,819 checkpoint ang inilalatag ng PNP araw-araw.

Sa ilalim ng Resolution No. 10728, ipinagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdadalaw ng baril o kahit ano pa mang deadly weapon sa labas ng kanilang bahay o sa mg apampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Ang mga tagapagpatupad ng batas naman ay exempted dito basta may awtorisasyon mula sa Comelec o sa ahensyang pinapasukan. RNT