Pagkamatay ng NDF consultant tatalupan ng CHR

Pagkamatay ng NDF consultant tatalupan ng CHR

December 8, 2022 @ 9:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang pagpatay kay National Democratic Font of the Philippines (NDFP) consultant Ericson Acosta at kasama nitong si Joseph Jimenez ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Sinabi ng CHR na ang tanggapan nito sa Region VI ay nagsasagawa ng independiyenteng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang aktibista.

“It is expedient to probe the truth and deliver justice in all allegations of arbitrary killing that desecrate the right to life,” ayon sa pahayag ng komisyon.

“As the State has the prime duty to protect life, CHR expects parallel probe by the concerned authorities,” dagdag pa rito.

“We also request the cooperation of the Armed Forced of the Philippines (AFP) to ensure the conduct of a swift and impartial investigation,” ayon pa sa CHR.

Ayon sa rights group na Karapatan, sina Acosta at Jimenez ay dinala ng mga tauhan ng Philippine Army sa Sitio Makilo, Barangay Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental alas-2 ng madaling araw ng Nob. mga rebeldeng komunista.

Sinabi ng CHR na patuloy nitong binibigyang-diin ang pangangailangang sumunod sa International Humanitarian Law sa mga sitwasyong may tunggalian. RNT