449 lugar naka-granular lockdown sa Pinas 393 — PNP

449 lugar naka-granular lockdown sa Pinas 393 — PNP

February 11, 2022 @ 11:16 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Umabot na sa 449 lugar ang naka-granular lockdown sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay pa sa datos ng PNP, 290 dito ay sa Cordillera; 111 sa Ilocos; 22 sa Cagayan; 21 sa National Capital Region; apat sa Mimaropa; at isa sa Zamboanga.

May kabuuan namang 803 katao ang apektado ng naturang restriksyon.

Samantala, nadeploy na ng PNP ang 177 personnel at 435 force multipliers sa locked down areas upang matiyak na natutupad ang minimum health standards. RNT/FGDC