44K stude sa SUCs ‘di nakapag-enroll – PASUC

44K stude sa SUCs ‘di nakapag-enroll – PASUC

September 24, 2020 @ 6:28 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang 44,000 estudyante mula sa state universities and colleges (SUCs) ang hindi nakapag-enroll ngayong academic year, ayon sa survey na isinagawa ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) sa 112 SUCs sa bansa.

“We will again conduct another survey by the end of October, for us to figure out kung ilan talaga ‘yung hindi nakatuloy ng pag-aaral,” giit ni PASUC president Tirso Ronquillo.

“Actually, kahit po ngayon sa aming SUC, may mga nagda-drop ngayong mga panahong ito kasi hindi makasabay ‘yong iba.”

Kasabay nito ay hinikayat ng Commission on Higher Education ang pagpapatupad ng flexible learning sa mga pamantasan at kolehiyo bilang pamalit sa face-to-face classes na ngayon ay ipinagpaliban dahil sa pandemya.

Sa kabila nito, iparerepaso ng PASUC ang patakaran ng mga SUC sa pagtanggap sa mga foreign student. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...