45.9M marijuana sinira sa Benguet

45.9M marijuana sinira sa Benguet

June 5, 2021 @ 10:17 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Tinatayang umabot sa P45,915,000.00 na halaga ng marijuana plants na nadiskubre ang sinunog sa magkakahiwalay na operasyon sa Benguet kaninang umaga.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang pagsira sa dalawang plantation ng marijuana ay isinigawa ng magkasanib na pwersa ng Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operation Group, Police Regional Office Cordillera, Benguet Provincial Mobile Force Company, RECU COR, Kibungan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit Benguet, PNP Drug Enforcement Group and Special Operation Unit 14.

Nag-ugat ang pagsagawa ng operasyon ng kapulisan ay bunsod na rin sa natanggap na impormasyon mula sa intelligence report na ibinigay ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division ng PRO COR hinggil sa pagkakaroon ng plantasyon ng marijuana sa Palwa, Sagpat, Kibungan, Benguet.

Sinabi ni PNP Chief Eleazar,  ang pagawasak sa marijuana ay isinagawa sa dalawang (2) magkakahiwalay na mga lugar ng taniman na nagresulta sa pagkasunog ng 7,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGJMP) sa 1,000 sqm sa unang site na nagkakahalaga ng P1 , 400,000.00 at 5,950 piraso ng FGMJP sa 850 sqm na lupain sa Site No. 2 na may halagang P1,190, 000.00.

Maliban dito, sa layong 300 metro lamang mula sa plantation ay nakumpiska naman ng mga pulis ang 12 sako ng mga pinatuyong dahon ng marijuana, mga binhi at tangkay na may kabuuang presyo na P43, 325,000.00.

Pahayag pa ni Eleazar, bago ang pagsasagawa ng operasyon, nagsagawa muna nang pagmamanman ang mga operatiba sa lugar para posibleng pag-aresto sa hinihinalang magsasaka na siyang nagtanim ng marijuana sa nasabing lugar.

“PNP alone cannot accomplish the arduous task of effectively curbing the drug menace in the country, but with the continuous support of the community, we become strong allies in our battle against illegal drugs”.  Ang aming panawagan sa ating publiko ay ang patuloy ninyong suporta sa ating sinusulong na kampaya para linisin ang ating kumunidad under the Internal Cleanliness Policy program ng PNP”, saad pa ni Chief PNP. Jan Sinocruz