45 lifeguards sa Samal, sumailalim sa training ng PCG

45 lifeguards sa Samal, sumailalim sa training ng PCG

November 18, 2022 @ 5:11 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumailalim sa pagsasanay ang 45 lifeguards ng Samal Island para mas maitaguyod ang kapakanan at kaligtasan ng mga turista at residente.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsimula ang lifeguard training mula Nobyembre 8 hanggang 17.

Sumailalim din sila sa water search and rescue (WASAR) at rubber boat operation and maintenance (RBOM) training na isinagawa sa Barangay Poblacion, Kaputian District.

Partikular ding pinag-aralan ng mga lifeguard ang tamang pagbibigay ng cardiopulmonary rescucitation (CPR) at iba pang lifesaving technique.

Itinuro rin sa kanila ang paggamit ng rubber boat tuwing may search and rescue (SAR) operation.

Tinutukan din ng mga Coast Guard personnel ang pagbabahagi ng underwater knot tying technique at istratehiya para mapagtagumpayan ng mga lifeguards ang one-mile survival swim.

Ang naturang inisyatibo ay suportado ng Samal Island Beach Resorts Association (SIBRA). Jocelyn Tabangcura-Domenden