45 mamamahayag nasawi noong 2021 – media watchdog

45 mamamahayag nasawi noong 2021 – media watchdog

January 1, 2022 @ 1:36 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nasawi ang kabuuang 45 mamamahayag sa buong mundo sa taong 2021, batay sa International Federation of Journalists (IFJ).

Malapit naman ang naturang bilang sa 46 na inestima ng isa pang media watchdog na Reporters Without Borders (RSF).

“While this decrease is welcome news, it is small comfort in the face of continued violence,” lahad ng Brussels-based IFJ.

Sa datos, siyam ang nasawi sa Afghanistan; walo sa Mexico; apat sa India; at tatlo sa Pakistan.

Base naman sa bilang ng Asia-Pacific region, pinakamarami pa rin ang Afghanistan na may 20 nasawi; America na may 10; Africa, walo; anim sa Europe (6); at tag-isa sa Middle East at Arab countries.

“The risks associated with armed conflict have reduced in recent years” because fewer journalists were able to report on the ground, “the threats of crime gang and drug cartels’ rule from the slums in Mexico to the streets of European cities in Greece and the Netherlands continue to increase.” RNT/FGDC