450K Pfizer jabs dumating sa Pinas

450K Pfizer jabs dumating sa Pinas

February 10, 2022 @ 11:35 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dumating saPilipinas, Miyerkules ng gabi, ang nasa 455,130 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ang karagdagang supply ng bakuna, na binili ng gobyerno, ay dumating sa Ninoy Aquino international Airport pasado alas-9 ng gabi.

Sa ngayon ay nagawa nang makapagturok ang gobyerno ng 128,544,903 doses ng COVID-19 vaccine.

Hindi naman bababa sa 59.8 milyong indibidwal sa bansa ang ‘fully vaccinated’ na laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang bansa ng 3,623,176 COVID-19 cases na may 3,472,160 recoveries at 54,690 ang nasawi. RNT