4,533 bagong COVID cases naitala; 37,962 aktibong kaso

4,533 bagong COVID cases naitala; 37,962 aktibong kaso

August 12, 2022 @ 7:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ilang araw nang pumatak sa 4,000 mark ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 matapos na makapagtalang muli ng 4,533 bagong impeksyon nitong Huwwebes, ayon sa Department of Health.

Bunsod nito, nasa 3,818,480 na ang kabuuang bilang ng COVID cases sa Pilipinas, habang ang mga aktibong impeksyon ay tumuntong 37,962-isang pagtaas mula sa 36,666 noong Miyerkules.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nanguna sa listahan ang National Capital Region (NCR) na may 15,700, sinundan ng Calabarzon na may 10,098, Central Luzon na may 5,189, Western Visayas na may 2,842, at Central Visayas na may 2,167.

Naitala din ang mga bagong recoveries, na tumaas ang recovery tally sa 3,719,602, habang ang death tally ng bansa ay umakyat sa 60,916.

Ang pinakahuling numero ay nagpakita rin ng hindi bababa sa 8,684 na kama ang okupado, habang 20,353 ang bakante habang ang bed occupancy sa bansa ay tumaas sa 29.9% noong Martes, Agosto 9.

Sinabi ng departamento ng Kalusugan na may kabuuang 24,814 na indibidwal ang nasuri, habang 326 na testing lab ang nagsumite ng data noong Agosto 10. RNT