S. Luzon, Visayas uulanin sa shearline

S. Luzon, Visayas uulanin sa shearline

January 18, 2023 @ 6:33 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang shear line at magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong Miyerkoles, iniulat ng PAGASA.

Ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Nueva Ecija, Bulacan, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng shear line na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Apayao at Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot ng northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., at lulubog ito mamayang 5:48 p.m. RNT