4,575 pang bagong kaso ng COVID naitala; 7,504 gumaling, 94 patay

4,575 pang bagong kaso ng COVID naitala; 7,504 gumaling, 94 patay

February 10, 2022 @ 4:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng 4,575 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong hapon, Pebrero 10.

Karagdagang 7,504 naman sa recoveries habang 94 pa ang namatay sa naturang sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na 3,267,575, patuloy pa ring binabantayan ang aktibong kaso na 93,307 pa.

Habang ang kabuuang namamatay ay umabot na rin 54,783 at 3,479,485 ang kabuuang recoveries.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng limang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)