46% ng mga Pinoy positibo sa paglago ng PH economy – OCTA

46% ng mga Pinoy positibo sa paglago ng PH economy – OCTA

December 22, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwala na magiging mabuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan, ayon sa survey na isinagawa ng OCTA Research.

Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na “46% of respondents are optimistic the economy will improve over the next six months, 38% believe it will remain the same while 10% believe it will get worse.”

Mayorya ng respondents na naghayag ng positibong pananaw ay mula sa Visayas (60), National Capital Region (46), Balance Luzon (43), at Mindanao (43).

Isinagawa ang survey mula Oct. 23 hanggang 27, 2022.

Noong Nobyembre, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumobo ang inflation rate, sa 8%, pinakamataas sa 14 taon at higit pa sa doble ng 3.7% na naitala noong Nobyembre 2021. Lumobo ito mula 7.7% noong Oktubre at 6.9% nitong Setyembre.

“The sustained acceleration of inflation in November 2022 was mainly due to the higher year-on-year growth rate in the index of food and non-alcoholic beverages at 10.0%, from 9.4% in October 2022,” base sa ulat. RNT/SA