46 patay, 3,226 pang kaso ng COVID, naidagdag

46 patay, 3,226 pang kaso ng COVID, naidagdag

August 3, 2020 @ 4:43 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng 3,226 kaso ng coronavirus disease (COVID-19) na naitala ngayong Agosto 3, ayon sa Department of Health.

Sa kabuuan, nasa 106,330 na ang kumpirmadong kaso sa bansa na may 38,405 active cases.

Sa NCR, nasa 1,541 ang naitalang kaso; Cebu, 503; Laguna, 181; Rizal,158; at Cavite na may 129 kaso.

Nasa 2,104 naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng 46 pang nasawi.

Sa bilang ng mga pumanaw, isa ang nangyari noong Marso, isa noong Mayo, anim noong Hunyo, at 37 noong Hulyo.

Mula naman sa Region 7 o Central Visayas ang 38 nasawi, 3 sa NCR, 2 sa CAR; isa sa Region 3; isa sa Region 6, at isa sa Region 4A.

Nakapagtala naman ng 275 recoveries sanhi upang umakyat na sa 65,821 ang mga gumaling sa sakit.

Mayroon namang 81 na nadobleng naitala kaya inalis sa total case count.

Sa bilang na ito, 10 ang recovered cases ang inalis.

Mayroon ding dalawa pang kaso ang in-update kung saan ang isa ay iniulat na nasawi ngunit nakarekober habang ang isa naman ay iniulat na nakarekover ngunit na-update bilang nasawi matapos ang ginawang validation ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...