46 patay sa magnitude 6.6 na lindol sa Tsina

46 patay sa magnitude 6.6 na lindol sa Tsina

September 6, 2022 @ 8:51 AM 4 weeks ago


BEIJING, China — Patay ang hindi bababa sa 46 indibdiwal sa tumamang magnitude 6.6 na lindol sa timog-kanlurang Tsina.

Sentro ng malakas na lindol ang 43 kilometro (26 milya) timog-silangan ng lungsod ng Kangding sa lalawigan ng Sichuan.

May lalim itong 10 kilometro, ayon sa US Geological Survey.

Ayon sa local media, nasa 17 katao ang namatay sa lungsod ng Ya’an, habang 29 ang nasawi sa Ganzi Prefecture.

Habang nasa 16 indibidwal pa ang nawawala at nasa 50 ang sugatan.

“May isa pang 16 na tao ang nawawala at 50 ang nasugatan,” sabi ng CCTV noong Lunes.

Daan-daang rescuers ang ipinakalat sa mga lugar na sobrang naapektuhan ng pagyanig. RNT