46 sports sasabakan ng Pinas sa Asian Games

46 sports sasabakan ng Pinas sa Asian Games

February 23, 2021 @ 7:20 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sasabak ang Pilipinas sa 46 na 61 sports na lalaruin sa 2022 Asian Games na nakatakda sa September 10 hanggang 25 sa susunod na taon sa Hangzhou, China.

Isiniwalat ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na nagsumite na ang POC ng listahan sa Hangzhou Asian Games Organizing Committee kaugnay na sports na sasalihan ng PH athletes.

Ayon kay Bambol, ang mga Pinoy ay lalaban sa aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 basketball, boxing, canoe-kayak at cycling MTB at BMX.

Kasama rin sa sports na lalaruan ng Team Philippines ang dancesports’s breaking, men’s dragon boat, equestrian, fencing, men’s football, golf, artistic at rhythmic gymnastics, judo, jiu-jitsu, kurash, karate, bridge, chess, esports, xiangqi, modern pentathlon, skateboarding, rowing at men’s rugby.

Maging sa sailing, sepaktakraw, shooting, sports climbing, squash, taekwondo, tennis, triathlon, men’s and women’s volleyball, men’s and women’s beach volleyball, weightlifting, wrestling at wushu ay sasabak din ang Pinoy athletes.

Kumpiyansa si Tolentino na maganda ang ipakikitang performance ng mga Pinoy sa Asian Games matapos dominahin ng bansa ang Southeast Asian Games.

“We submitted our list last Friday-the deadline-and we based our list on our effort to surpass our last achievement of four gold medals-in Jakarta-because we improved a lot in the SEA Games,” ani Tolentino.

Matatandaaang nagwagi ang Pilipinas ng apat na gold medals sa Jakarta noong 2018 Asian Games – Hidilyn Diaz (weightlifting), Margielyn Didal (skateboarding), Yuka Saso (golf, women’s individual) and Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go (golf, women’s team).

Nakatipon ng silver medal sina Rogen Ladon (boxing) at Kiyomi Watanabe (judo) at 15 bronze mula sports na pencak silat, taekwondo, boxing, wushu, cycling, jiu-jitsu, karate at golf. Rico Navarro


  •  
  •  
  •