46 tumba sa pandemya sa CAMANAVA

46 tumba sa pandemya sa CAMANAVA

September 18, 2021 @ 2:18 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Apatnapu’t anim ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area batay sa pinakahuling ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.

 

Mula 1,352 noong Setyembre 13 ay sumirit sa 1,389 ang total COVID deaths sa Caloocan City nitong Setyembre 17 o karagdagang 37 casualties, habang 3,400 naman ang active cases.  Pumalo na sa 53,498 ang total confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 48,709 na ang recoveries.

 

Tatlo naman ang patay sa Malabon City at 73 ang nadagdag na confirmed cases nitong Setyembre 17. Sa kabuuan ay 19,499 ang positive cases sa siyudad, 913 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 87 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at  17,988 ang recovered patients ng Malabon habang 598 ang COVID death toll.

 

Tatlong COVID patients din ang natodas sa Navotas habang 1,604 ang active cases matapos  na 50 ang mahawaan at 90 ang naman ang gumaling.  Pumalo na sa 16,656 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa naturang bilang ay 14,565 na ang gumaling at 487 na ang namatay.

 

Tatlo rin ang iginupo ng pandemya sa Valenzuela City habang 1,737 ang active cases makararang 221 ang magpositibo sa virus at 330 naman ang makarekober.  Sumampa na sa 31,059 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 28,640 na ang gumaling at 682 na ang namatay.  Merly Iral


  •  
  •  
  •