4,610 PDLs pinalaya ng BuCor sa 2021

4,610 PDLs pinalaya ng BuCor sa 2021

January 5, 2022 @ 2:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Napalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 4,610 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa pitong prison facilities noong 2021.

Batay sa yearend report, pinalabas ng BuCor ang mga kwalipikadong PDLs upang lumuwag sa mga kulungan at maiwasan ang pagkakahawa sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa mga pinalaya, 1,193 PDLs ang pinawalang-sala; lima ang ginawaran ng conditional pardon; 2,378 ang natapos na ang kanilang jail terms; 598 ang binigyan ng parole; 43 ang binkigyan ng  probation; walo ang nakapag-piyansa; at 385 “returnees”. RNT/SA