Amihan magpapaulan sa Luzon

Amihan magpapaulan sa Luzon

March 5, 2023 @ 8:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Luzon ngayong Linggo at magdadala ng mga pag-ulan sa ilang mga lugar, ayon sa pagtataya ng panahon ng PAGASA.

Maaaring asahan ng Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ang maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa monsoon. Dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, maaaring magresulta ang flash flood o landslide.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban sa Bicol Region at Palawan sa kabilang banda ay maaaring asahan ang bahagyang maulap hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa monsoon.

Ang Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line. Ang mga flash flood o landslide ay posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Samantala, ang Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas, at Palawan ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Sa panahon ng matinding pagkulog, maaaring magresulta ang mga flash flood o landslide.

Sumikat ang araw bandang alas-6:11 ng umaga habang ang lulubog ito mamayang alas-6:05 ng gabi. RNT