Amihan magpapaulan sa NCR, Luzon, Visayas

Amihan magpapaulan sa NCR, Luzon, Visayas

March 8, 2023 @ 6:37 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy pa ring nakaapekto ang amihan kung saan ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Kanlurang Visayas ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ngayong Miyerkoles.

Sa kabila nito, ang northeast monsoon ay hindi magkakaroon ng malaking epekto sa mga lugar na ito, dagdag ng weather bureau.

Samantala, ang Mindanao at ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:09 a.m., habang lulubog ito mamayang 6:05 p.m.