466 sa 955 courtesy resignation ng PNP senior officers nasuri na

466 sa 955 courtesy resignation ng PNP senior officers nasuri na

March 3, 2023 @ 1:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasuri na ng five-man advisory group ang nasa 466 sa 955 courtesy resignations na ipinasa ng mga senior officers ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Marso 2.

Sa pahayag, sinabi ni PNP public information office acting chief Police Colonel Redrico Maranan na 131 opisyal ang nabusisi nila sa pinakahuling sesyon nitong Huwebes.

“The Group has so far evaluated a total of 466 senior officials. The body is set to evaluate and process the remaining senior officers in the coming weeks,” aniya.

Sinabi ni Maranan na maghahanda naman ang grupo ng comprehensive report kay Interior Secretary at NAPOLCOM chairperson Benhur Abalos.

Nakatakda namang ibigay ni Abalos ang endorso nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa mga resignation.

Ayon kay Maranan, nakatakdang tapusin ng grupo ang evaluation nang mas maaga sa 90-day period na nauna nilang itinakdang deadline.

“However expeditious the process may be, fairness, objectivity and due diligence in the conduct of the review proceedings is always observed,” sinabi pa niya.

Matatandaan na noong Enero 4 ay nanawagan si Abalos sa mga senior PNP officials na magpasa ng kani-kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na linisin ang ahensya laban sa kaugnayan ng ilang opisyal sa illegal na droga.

Kasunod nito ay binuo naman ang five-man advisory group kasama si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa pagsusuri sa mga ipinasang resignation.

Matapos nito ay muling susuriin ng NAPOLCOM ang resignation ng mga opisyal na tinanggap ng grupo. RNT/JGC