47 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na 24 oras

47 pagyanig naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na 24 oras

June 25, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


LEGAZPI CITY- Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 47 volcanic earthquakes sa Mount Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas ba 24 oras, na mas marami kumpara sa 22 na naitala sa nakaraang monitoring period.

Sa bulletin nitong Sabado, sinabi ng Phivolcs na ang naitalang sulfur dioxide (SO2) flux ay 424 tons nitong Biyernes.

Nagbuga rin ang bulkan nh 751 tons nh SO2 nitong Huwebes.

Umabot naman ang taas ng plume emissions sa 350 metro, patungong west-northwest at northwest.

Nananatili sa alert level 1 ang bulkan. RNT/SA