47 pang Pinoy patay sa COVID; active case bumaba sa 36,146

47 pang Pinoy patay sa COVID; active case bumaba sa 36,146

August 21, 2022 @ 9:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 3,715 na bagong kaso ng coronavirus disease nitong Sabado habang bumaba ang aktibong kaso sa 36,146.

Ang bagong kaso ay nagdala sa nationwide caseload sa 3,852,170. Bumaba ang aktibong kaso ng 1,079 mula 37,225 noong Biyernes.

Sa nagdaang dalawang linggo, any mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ay National Capital Region na may 14,206 sinundan ng Calabarzon na may 8,641, Central Luzon na may 4,842, Western Visayas na may 2,572, at ang Cagayan Valley na may 2,177.

Nakapagtala rin ang DOH ng 4,753 bagong recoveries, kaya umabot na sa 3,754,716 ang recovery tally.

Apatnapu’t pitong bagong nasawi dahilan para ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa ay 61,308.

Ang rate ng bed occupancy ng bansa ay 30.2% noong Biyernes: 8,707 na kama ang okupado, habang 20,156 ang nanatiling bakante.

Kabuuang 22,051 indibidwal ang masuri noong Biyernes habang 320 testing laboratories ang nagkapagsumite ng kanilang datos.

Ayon pa sa DOH nakakaranas ang bansa ng pagtaas ng mga namatay sa nagdaang ilang buwan.

Sinabi ni Health officer in charge Usec Maria Rosario Vergeire, may average lamang na isang nasawi kada araw noong Hunyo.

“There is an observed increase in the number of deaths over these past months,” ani Vergeire.

“Noong dating Hunyo, we were just averaging one death per day. Ngayon meron po tayong naitatala for July, we have averaged eight deaths per day. Dito po sa atin sa August, ganoon din po ang nakikita natin nine deaths per day naman,” dagdag ng DOH OIC.

Sinabi ni Vergeire, batay sa kanilang datos mula Hulyo 1 hanggang Agosto 14, na hindi bababa sa 63% ng mga nasawi ay ang mga hindi nabakunahan.

Kaya naman hinikayat ng acting DOH chief ang publiko na magpabakuna laban sa viral disease para maiwasan ang matinding impeksyon.

“Yun lamang po gusto lang po natin magpaalala sa ating mga kababayan mas tumataas yung probabilidad na kayo ay magka-severe infection at maari pang mamatay kung hindi po tayo magpapabakuna,” pahayag ni Vergeire.

Sinabi ng DOH OIC na hindi bababa sa 72.3 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19 noong Agosto 18.

Humigit-kumulang 6.8 milyong senior citizen ang nabakunahan, habang mahigit 9.8 milyong kabataan kasama ang 4.5 milyong bata ang ganap na nabakunahan, ayon kay Vergeire.

Sinabi niya na higit sa 17.3 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose, at higit sa 1.9 milyon ang nakatanggap ng kanilang pangalawang dosis.

Samantala, ang Pilipinas noong Biyernes ay nag-ulat ng 3,748 bagong kaso ng COVID-19, na nagdala sa nationwide caseload sa 3,848,449. Jocelyn Tabangcura-Domenden